Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA naging panayam ni Ogie Diaz kay Jeric Raval sa kanyang YouTube channel, sinabi ng huli sa una, na nagkakasalubong sila ni Aljur Abrenica nitong nakaraang buwan at nakapag-usap na rin daw sila.
Ang napag-usapan nila ay ang tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu na buntis ang anak ni Jeric na si AJ Raval, na ang sinasabing ama ay si Aljur, kahit pa nga wala pang pag-amin na may relasyon ang dalawa.
Ang tila warning lang ni Jeric kay Ajur ay hindi sana madehado o maging kawawa sa huli ang kanyang anak.
Sabi ni Jeric,”Nag-usap na naman kami (ni Aljur) nang lalaki sa lalaki. Sabi ko, ‘Tatlong bagay lang ang hihingin ko sa ‘yo, anak. Kung talagang mahal mo ‘yung anak ko iayos mo muna ‘yung buhay mo, iayos mo muna ‘yung sarili mo.
“’Lahat nasa ayos, lahat nasa lugar. So whatever happens, hindi naman lumitaw na disgrasyada ‘yung anak ko. ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.’
“Na-evaluate ko naman siya, mabait naman. He’s a good person,”
Sa tanong ni Ogie kay Jeric kung totoo nga bang nagdadalang-tao ang anak, ang sagot niya ay, “Sabi ko nga kay Bats (tawag niya kay AJ bakit kaya hindi mo sagutin? Sabi sa akin, ‘nagsawa na ako sa kasasagot ‘Tay Eric, three months ago, four months ago.’
“Sabi ko asan ka ba ngayon at sabi nga niya nagsu-shooting siya. Nasa Angeles sila ngayon tinatapos niya ‘yung movie niya sa Viva.
“Hindi (buntis). E, bakit siya nagsu-shooting? Saka kung buntis, e, di mabuti at least hindi pala siya baog. Hahahaha!” sabi pa ni Jeric sabay tawa nang malakas.
***
SA pakikipag-usap namin kay Engr. Louie Cristobal, owner ng talent management na Blvck Entertainment katuwang ang misis niyang si Ma’m Grace, at managing director naman si Bobet Vidanes, sinabi niya na bukas ang kanilang kumpanya na makatrabaho ang hosts ng It’s Showtime sakaling magkaroon ng proyektong magkasama-sama sila.
Ito ay sa kabila ng isyung nagtampo ang hosts ng It’s Showtime nang umalis si Bobet nang walang paalam sa kanila noong November 2020.
Sabi ni Louie,”Actually, si Direk Bobet, walang masamang tinapay. Okay naman sa kanya yun.
“Katulad nung last interview sa kanya [yung sinabi niya na] kung puwede kunin, why not? Hindi lang din naman personal yung iniisip namin.
“If you can see, Direk Bobet is getting old. He’s 52, 53. Ang sabi niya sa akin, ‘Parekoy, I will enter, I will guide you, pero gusto ko makakapag-leave ako before I retire ng good things sa showbiz.’ Yun ang medyo naantig ako sa kanya.”
Iyon ang naging hudyat para magdesisyon si Louie at ang misis niyang si Grace Cristobal na magtayo ng sariling talent management company.
Naisip nilang maging katuwang si Bobet na matalik na kaibigan ni Louie.
Bilib si Louie sa kakayahan ni Direk Bobet, na naging direktor ng It’s Showtime mula 2009 hanggang November 2020.
Patuloy ni Louie hinggil sa pagtatag niya ng talent management company, “Basically, I have two reasons that’s why I entered this kind of business.
“Number one, Direk Bobet has my back. Every decision that we make, Direk Bobet is with me.
“For ten years siguro na magkaibigan kami, very tight talaga [kami]. Lalo na nung Showtime siya, may problema siya diyan, tapos nung lumipat siya, hindi ko pa rin siya iniwan.
“Number two siguro is I have money to run this kind of business. Yun lang siguro.”
Bukod sa pagpo-produce ng shows sa telebisyon, plano ring gumawa ng pelikula si Eng. Louie at ang misis niyang si Ma’m Grace.
Ang isa sa mga talent ng Blvck Entertrainment ay ang sikat na Tiktoker na si The de Luna.