Advertisers
INOOBSERBAHAN parin ang kondisyon ng isang Grade 1 student na nahulog mula sa ika-apat na palapag ng school building sa Navotas City.
Ayon sa imbestigasyon ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), 2:30 ng hapon ng Miyerkules nang maganap ang aksidente sa San Rafael Village Elementary School.
Sa report, nakita nalang ng security guard at utility personnel ng paaralan sa ground floor ang 7- anyos na biktima.
Mabilis na isinugod sa Tondo Medical Hospital ang bata at ngayon sumasailalim sa pagsusuri ng mga doktor.
Ayon kay Michael Daco, principal ng naturang paaralan, pinaiimbestigahan na nila ang insidente kung bakit naroroon sa 4th floor ang bata.