Advertisers

Advertisers

Rhen Escano ayaw makahon sa pagpapaseksi

0 401

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

EMOSYUNAL si Rhen Escano kapag pinag-uusapan ang direksyon ng kanyang career.
Pagkatapos kasing gumawa ng daring scenes sa Adan kung saan siya nagkaroon ng frontal nudity, tila nag-lie low siya sa pagpapa-sexy.
“Noong unang beses kasi na pumayag akong gumawa ng sexy project, para sa akin trinato ko na may card ako sa kamay ko. Everytime na may gagawin ako na sexy project, ayoko pong maubos ….na kailangang piliin ko po ang kailangan kong ilapag. Importante rin sa lagay ng career ko na makita ng mga tao na may iba akong ginagawa o challenging.
Ayoko pong makita ng mga taong nakakahon ako… na sana mabigyan ako ng chance na makita nila na may talent ako at iba pang kayang gawin, “ aniya.
Ani Rhen, hindi raw naman niya tuluyang tinalikuran ang pagpapaseksi dahil naghihintay lang siya ng tamang proyekto na higit sa paghuhubad ay hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktres.
“Nag-aantay lang po ako ng perfect o tamang project for me. Para sa akin, may ipini-pitch pong mga project pero nagawa ko na po siya before.Kung gagawin at gagawin ko po siya, ano pa po ang bagay na ipakikita ko. Kailangan ko lang i-make sure na iba siya sa nagawa ko before. Kailangang naggrow-grow po ako as an actress. Importante po sa akin iyon,” paliwanag niya.
Sa Rhen ay nakatakdang gawin ang 8 part sexy thriller series na “Secrets of a Nympho “ na mapapanood sa Vivamax sa Oktubre 23.
Gagampanan niya ang papel ni Gab, isang outcast student na iimbestigahan ang pagkamatay ng isang campus prince sa University of Potenciana sa fictional town ng San Lucas.
Para magawa niya iyon,kailangan niyang pasukin ang mundong pinamumugaran ng mga sugapa sa droga at laman.
Mula sa produksyon ng Rein Entertainment at sa direksyon nina Shugo Praico at Philip King, tampok din sina Arron Villaflor, Ayanna Misola, Josef Elizalde, Gold Aceron, Jeric Raval,Andrea Garcia, Milana Ikimoto, Tiffany at Sheree.