Advertisers

Advertisers

Sey mo Julia…Gerald at Kylie sweet at sabay dumating galing Switzerland

0 349

Advertisers

Ni BETH GELENA

DUMATING na sina Gerald Anderson at Kylie Padilla mula sa shooting nila sa Switzerland.
Magkasabay na dumating ang dalawa.
Ayon sa kumakalat na balita, may namumuong relasyon sa dalawa habang sila ay nasa Switzerland.
Usap-usapan ding nagbreak na raw sina Julia Barretto at Gerald dahil sa anak ni Senador Robin Padilla.
May tsika pang ang sweet daw nina Kylie at Gerald habang magkatabi sila sa eroplano.
Well, wala pa namang pruweba kung totoo ngang “sila” na ang new couple at break na ang aktor sa girlfriend niyang young actress.
Ayon sa netizens, promo lang daw ang lahat dahil may pelikula silang ginagawa.
Kung may katotohanan man daw ang balitang ito, tiyak na magdadalawang isip si Gerald — dalaga raw si Julia samantang si Kylie ay may mga anak na
Sabagay, maganda si Kylie. Kahit may dalawa na siyang anak kay Aljur Abrenica, mukha pa ring dalaga ang aktres.
At bagay daw sina Gerald at Kylie dahil magkamukha sila.
***
COCO HINIHIRITAN NG NETIZENS NG ACTION MOVIE
Kaarawan nung August 20, ng the late King of the Philippine Movies Fernando Poe Jr.
Nagbigay pugay ang actor na si Coco Martin at Julia Montes sa Da King.
Bumisita sa puntod ni FPJ at ng Reyna ng Pelikulang Pilipino, Susan Roces ang rumored couple.
Si Manay ay matagal na nakatrabaho ni Coco sa FPJs Ang Probinsyano.
Mula nang mag-umpisa ang aksyon serye ay kasama na ng actor si Susan hanggang sa binawian ito ng buhay ilang buwan lang ang nakalilipas
Sa Instagram post ni Coco, pinagsindi niya ng candle sa mismong puntod ng mag-asawa, pasasalamat sa mga kabutihang nagawa nila sa industriya.
“Maraming maraming salamat po FPJ at Lola Susan! Mahal na mahal ko po kayo!” caption ni Coco.
Sa loob ng pitong taon na namayagpag sa ere ang iconic teleserye FPJ’s Ang Probinsyano, hindi nagbago ang ratings nito at walang nakapagpatumba ng kahit anung programa.
Tinagurian na ring action king ng TV ang actor dahil after FPJ ay wala nang pumalit sa tinamong kasikatan nito sa pag-aaksyon.
Ayon nga sa Kantar Media, “Ang Probinsyano” was the Philippines’ undisputed No. 1 TV program for five years until mid-2020, when ABS-CBN was forced off free television.
Nang mag-migrate sa digital platforms after na mag-shutdown ang network ay nanatili pa ring wide viewership ang aksyon serye.
May nagre-request na mga netizen sana raw ay gumawa naman ng aksyon si Coco na pang movie.
Marami raw aksyon movie si Da King na pwedeng iremake ni Coco.
Hmmm… magandang idea nga naman… what do you think, Eric John Salut?
***
TROPANG LOL HINIHINGAN NG PUBLIC APOLOGY
Ngayon ay hindi pa rin natatapos ang isyu hinggil sa Tropang LOL at sa Korean group na Super Junior na ginawa umano nilang joke sa segment ng Maritest.
Sa twitter ni @BeneciaOvidia msy posted siyang breaking news: “SBS KOREA MADE A REPORT ABOUT TROPANG LOL’s ISSUE on KPOP MEMBER of SUPER JUNIOR
“Let’s just do precautionary mesaures to prevent such incident like this, the program is under Brightlight Productions. Public apology will do.”
Mukhang KPop fans ang nanggagalaiting mag public apology ang Tropang LOL.
Katunayan may pinapakalat pa silang #CancelTropangLOL.
Sey ng netizens: “You get what you deserve, mas kukuyugin kayo lalo ng kpop fanaticsss..”
“Syempre bigdeal sa ibang kpop fans yan.”
“Cringy talaga ng show nina Alex Gonzaga. Kahit youtube clips sa youtube hindi ko matapos panuorin.”
“taray ng LOL, napapansin dahil sa mga kapalpakan, i mean nagkakaroon din naman ng kapalpakan ang showtime at eat bulaga pero atleast kilala sila as entertaining, eh ang LOL? napakacringy at corny.. ika nga bad publicity is still a publicity. tarush!”
“Hahahahaha at least napag usapan kahit ilang segundo ang LOL.”
“That’s how big LOL is? Pinag-aksayahan sila ng panahon ng Korean celebs? Ehdiwow.”
***
LOISA ‘BINABARIL’ NG NETIZENS
Ginagawan ng.isyu ang young actress na si Loisa Andalio.
Kesyo.nag-undergo raw siya sa physical enhancement na.dinedenay.naman ng girlfriend.ni Ronnie.Alonte.
Twit ni Loisa: “Dami ko po nababasa at hindi rin ako màhilig sumagot sa ganito pero gusto ko lang po linawin wala po akong retoke kahit 1% at wala rin po akong balak hindi rin po ako against sa mga nagpa enhance, your body.yoir rules
“Ayun lang po.”
May mga ayaw.namang maniwala sa sinabi ng aktres.
Pinagdidiinan ng netizens na nabago raw ang ilong ni Loisa.
Baka raw.humaba ang ilong ni.Loisa.tulad ni Pinocchio.
Pagtatanggol ng followers ng dalaga, “dati na matangos ilong nya ever since.”
“glow up tawag jan. nagbawas sya ng weight kaya ganon. pwede naman isede by side yung pic nya before & now”
“Tell that to the marines,” sey naman ng iba.
“maganda naman talaga si loisa kahit noon pa. ayaw lang sigurong aminin na nagpa rf siya or deep derma eme but nonetheless, her body, her rules nga daw”
Napapansin ngayon ang aktres dahil sa teleserye nila ng boyfriend na si Ronnie, ang Love in 40 Days kung saan ang role niya ay isang multo.
Habang tumatagal.kasi ang teleserye ay gumaganda ang kwento nito.