Advertisers

Advertisers

Emplayado ng MAFAR, niratrat-patay sa tapat ng bahay

0 226

Advertisers

Patay ang 54 anyos na emplayada ng Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), nang barilin ng ‘di nakiklang salarin sa tapat ng bahay sa Isabela City.

Kinilala ang biktima na si Arsad Jakaria, 54, employado ng Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), at residente, ng Mabarakat Village, Barangay Aguada, Isabela City.

Ayon kay PMaj Shellamei Chang, spokeperson ng PRO9, 7:54 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Purok Almaciga, Brgy. San Rafael, Isabela City.



Sa ulat, nagpapahangin ang biktima sa labas ng bahay nang lapitan ng isang ‘di nakikilang salarin.

Agad na pinaputukan ng salarin sa ulo pagtapat sa biktima at mabilis na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.



Isinugod naman ang biktima sa Bascon Hospital upang malapatan ng lunas ngunit binawian ng buhay makalipas ang ilang oras sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Narekober ng mga otoridad ng isang basyo ng bala ng mula sa cal 45 sa pinagyarihan ng insidente.



Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanan ng salarin at motibo ng pamamaril. (Mark Obleada)