Advertisers
Tatlong katao kabilang ang isang pulis Quezon City ang inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Tuguegarao City, Cagayan.
Kinilala ni PDEA Dir Gen Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina PCpl. Gomer Dacnas y Baawa (High Value Target-Government Employee), 30, nakatalaga sa QCPD station 11 ng Purok 5, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga; Jenwin Mencero y Dulan, 30, magsasaka ng Brgy. Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga; at Joseph Ganab y Almoite, 31, ng Brgy. Calaocan, Rizal, Kalinga.
Ayon kay Joel Plaza, Regional Director Region II, dakong 1:15 ng hapon ng magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento PDEA RO II RSET at PDEA RO II Cagayan Provincial Office sa Zone 4, Agusan Extension, Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.
Nasamsam sa mga suspek ang 2 pcs heat sealead transparent plastic na naglalaman ng shabu na maytimabang na 5 grams na nagkakahalaga ng P34,000, apat unit ng cellular phone, lighter, 3 pirasong folled foil at 1 kulay itm na Mitsubbishi Estrada at buy bust money.
Dinala ang mga suspek sa tanggapang ng PDEA RO II at sumasailalim sa imbestigasyon at sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 12, Article II ng RA 9165. (Mark Obleada)