Advertisers

Advertisers

Sundalo kulong sa pagpatay ng bgy. chairman

0 383

Advertisers

Dinakip ang isang sundalo na itinuturong pumaslang sa barangay chairman nitong nakaraan Linggo sa bayan ng Javier, Leyte.

Kinilala ang nadakip na si Sergeant Alexandro Calda, 33, miyembro ng 63rd Infantry Battalion, Philippine Army (PA).

Ayon kay Lt. Nicky Bermudo, hepe ng Javier Police Station, nadakip si Calda noong Linggo nang isailalim sa monitoring.



Sinabi ni Bermudo, base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV), Barangay Intelligence Network at ilang saksi nakita nila si Calda na siya bumaril-patay kay Barangay Chairman Joel Riños, ng Barangay Inayupan, Javier noong Agosto 22.

Sa ginawang operasyon ng Javier MPS, nagpakilala si Calda na kasapi ng AFP at boluntaryo nitong binuksan ang u-box ng kanyang sasakyan at nakita ang.45 kalibre na baril.



Hiningan ng operatiba si Calda ng kaukulang papeles sa kanyang baril subali’t wala itong maipakita.

Dinala sa Tacloban City Police Office, Police Station 2 si Calda para sa karampatang disposisyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">