Advertisers
INENDORSO na sa Kongreso ang rightsizing bill kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM).
Kaya tutugunan ng rightsizing bill ang lumolobong bureaucracy sa pamahalaan.
Kaugnay nito ay layon ng nasabing panukala na simplehan ang operasyon sa gobyerno para mabawasan ang gastusin ng pamahalaan.
Kabilang ito sa nais ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na isulong para maipasa sa Kongreso.
Sa pahayag ni Secretary Amenah Pangandaman ng Department of Budget & Management sinabi nitong, “We provided po ang congress yung rightsizing bill po natin infact we have few senators po already filed the bill. I think its Sec Escudero already filed in the bill, in the house tatlo na po ang nag-file, I think kapag na-refer na po ito sa proper committee we are more than happy to attend deliberations”. (Vanz Fernandez)