Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAPAG-uusapan na nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang future ng kanilang magiging anak kahit na hindi pa naipapanganak ni Jessy ang first baby nila ni Luis.
Kung ang ibang celebrity couple ay ayaw ipakita ang kanilang first baby nang isilang at tutol na maging artista, taliwas sa mag-asawang Luis at Jessy na walang problema kung pumasok sa showbiz si Baby Peanut (pangalan ng magiging baby nina Luis at Jessy). In fact, kung may kukuha nga raw kay Peanut for commercial ay walang problema sa kanila.
“Okey naman ako sa kanya na ma-expose siya sa commercial. Kasi, kahit paano, kung ano `yong kikitain niya doon, sa kanya `yon. And still, kahit ano ang kikitain natin doon, para sa kanya rin `yon,” say ni Luis sa kanyang latest vlog.
“So, ako, I don`t mind. Ngayon kung sabihin ni Peanut na gusto niyang mag-full showbiz, you know that`s something that we should talk about as a family,” say pa ni Luis.
Gusto rin gayahin ni Luis ang ginawa ng kanyang ama na si Edu Manzano na dapat tapusin muna ang kolehiyo bago mag-artista na kanya naman sinunod.
Pero dahil sa ngayon ay uso na ang online or home-schooling ay puwede na rin raw pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista Payag daw siya sa ganitong sistema.
“Pero kung saan siya makakahanap ng contentment and fulfillment and happiness, don ako. Regardless kung gusto mong mag-artista, go ahead. I`ll support you, ayusin natin studies mo,” say ni Luis.
Ngayon pa lang ay may pahayag na si Luis sa mga gustong kumuha sa anak nila ni Jessy for a commercial.
“Ngayon pa lang, sa mga kompanya, puwede n`yo po kaming kunin sa commercial as a family. Sinasabi ko na po sa inyo ngayon pa lang,” say ni Luis.
Sinang-ayunan naman ni Jessy ang panawagan ni Luis.
“Opo, para makapag-ipon na rin po kami para sa baby namin,” nakangiting say ni Jessy.
“Yong mas malaking TF (talent fee) non, kay Peanut po namin ibibigay, “ dagdag ni Luis.
Sa ngayon ay five months na ang pagbubuntis ni Jessy at kamakailan nga lang ay nag-gender reveal sila na isang babae ang kanilang first baby.
Samantala, masayang-masaya ang Star For All Seasons Vilma Santos na magkakaroon na rin siya ng apo at isang babae pa na matagal na niyang pangarap.
***
AJ na-offend nang may humawak sa kanyang tiyan
Kahit na itinanggi ng sexy star na si AJ Raval na hindi siya buntis ay marami pa ring maritess ang ayaw maniwala. Kesehodang nag-post pa siya na naka-bikini outfit sa live online ay duda pa rin sa naging pahayag niya na hindi siya buntis.
Kahit pa sinabi ni Nay Cristy Fermin sa programa nito na nagdadalantao si AJ ay todo deny pa rin ang sexy star .
Heto pa, na diumano ay “na-offend” daw si AJ kay Tita Aster Amoyo nang hawakan nito ang tiyan ng sexy star nang magkita sila sa pinagdausang presscon.
Siyempre na ikinagulat ni Tita A nang makarating sa kanya na na-offend si AJ sa ginawa nitong paghawak sa tiyan ng sexy star.
Sabi ni Tita A, “Wala akong intensyon! I`m a very touchy person. My God, wala akong malice! Kilala ako sa pagiging touchy.
“Wala akong malisya. Kung natapik ko man yung tiyan niya. It was not intentional. Nagkataon lang.
“Imbes na baywang, ang tiyan ni AJ ang nahawakan ko kasi nakatayo siya, nakaupo ako nang bumati siya.”
***
SA South Korea ipinagdiwang nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan at kanilang mga anak ang kaarawan ng senador.
Sa Instagram ni Sharon makikita ang mga photos nila ni Sen. Kiko at kanilang mga anak habang namamasyal sa South Korea.
Isa sa mga larawang ipinost ni Sharon ay nagdi-dinner sila sa isang Korean restaurant.
“Neybor`s birthday dinner. Koreaaa I love you and missed you so mucccch!” caption ni Sharon.
May ipinost din si former Senator Kiko sa kanyang Instagram habang namamasyal sila sa South Korea. Nandoong namimili sila sa isang convenience store.
“Bumili ng bottled water at chichiria sa 7-11 sa downtown Seoul at nagbabayad lang sa cashier. Mga lakad na ganito na hindi nagagawa namin kasama mga bata sa Manila ang memorable experiences nila. 1st trip abroad in 3 years! Missing KC,” caption ni Kiko.
May netizen nakapansin sa larawan nina Megastar at mga anak nila ni Kiko na mistulang nagmukha rin daw anak ni Kiko si Sharon.
“Grabe, Ms Sharon. Di ko kayo nakilala agad. Akala ko isa sa mga anak n`yo yung naka-black, kayo po pala yun. You look so young, parang kasing-edad mo lang ang mga anak mo.”
Nagmukhang bata kasi si Sharon mula nang pumayat. Ang lakas makabata at nagmukhang dalaga ang Megastar.