Advertisers

Advertisers

Ayanna proud na unang nakabinyag kay Gab

0 1,148

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AMINADO ang Vivamax sex vixen na si Ayanna Misola na crush niya ang Viva hottie na si Gab Lagman.

Katunayan, medyo na-conscious daw siya sa love scenes nila ng actor sa pelikulang “Bula”.



Wala namang kiyeme niyang sinabi na bukod sa hot ay makalaglag-panty daw ang kaguwapuhan ni Gab.

Kinikilig din daw siya kapag naiisip na siya ang kauna-unahang aktres na nagbinyag kay Gab na gawin ang itinuturing ng actor na boldest movie niya to date.



Sa eksenang tinanggal niya ang brief ng actor, aniya, hindi raw naman niya alam na may limitasyon pala sa paghuhubad ang kanyang kapareha sa Bula.

Gayunpaman, kahit parang natangay siya sa kanilang mga maiinit na eksena, hindi raw naman siya ipinapahiya ni Gab.



Kuwento pa niya, sa halip daw na ipatigil ng actor ang kanilang mga eksena, ipinagpatuloy pa rin daw nila ang mga nasabing sequences para hindi maantala ang kanilang shoot.

Naglagay na lamang daw ng plaster ang actor bilang proteksyon sa sarili sa kanilang mga eksena ng romansahan.

Dahil daw dito, sobrang sumasaludo siya sa pagiging professional ng actor.

Katunayan, pinupuri rin daw niya ang pagiging caring nito at gentleman sa kanya dahil inalalayan siya during their entire shoot.

Sa itinuturing na pinaka-twisted na pelikula ng taon, inamin din niyang naging close sila ni Gab.
Sa kasalukuyan, aminado si Ayanna na merong mga lalakeng umaali-aligid sa kanya pero wala pa raw boyfriend si Ayanna dahil prayoridad niya ang kanyang acting career.

Tungkol naman sa acting showdown nila ni Angeli Khang na pinupuri ng mga kritiko, mapagkumbaba naman niyang sinabing mas magaling ang huling umarte sa kanya pero excited daw siya kung makasama  ito sa isang proyekto.

Sa sexy thriller na Bula, binibigyang buhay niya ang papel ni Meldie,  isang laundrywoman na nasa loob ang kulo na may kakaibang “fetish” para ma-satisfy ang kanyang sexual fantasy.
Sa pelikula, magkakaroon siya ng obsession  sa isang matipunong police officer na si Jacob (Gab Lagman), na may girlfriend namang si Celine (Rob Guinto).

Kahit na may asawa na at alam na may girlfriend si Jacob, gagawa pa rin siya ng paraan para mapalapit kay Jacob  sa kahit anong paraan na gusto niya.

Aniya, nagampanan daw niya ang ganoong ka-twisted na role dahil “baliw” din daw siya sa tunay na buhay.

Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr., tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, Ana Abad Santos, AJ Oteyza at marami pang iba na mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 2.