Advertisers
KINUWESTIYON ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin Jr., ang umiiral na patakaran kungsaan kinakailangan magpaalam ng PNP bago pumasok sa “teritoryo” ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Bangsamoro Autonomous Region.
Ito’y matapos masawi sa pananambang ang dalawang pulis at masugatan ang tatlong iba pa, nang pasukin nila ang teritoryo ng MILF para magsilbi ng arrest warrant.
Sa isang press briefing, sinabi ni Azurin na hindi na dapat kailangang magpaalam ang PNP o Armed Forces of the Philippines (AFP) kaninoman para makapag-operate sa anumang bahagi ng bansa dahil sila ang nagpapatupad ng batas at seguridad ng buong bansa.
Dagdag pa ni Azurin, kung ipagpapaalam pa nila ang pag-aresto sa mga wanted person na nagtatago sa teritoryo ng MILF, malabo silang mahuli dahil sa posibilidad na matimbrehan ang mga ito.
Mahigit na 300 arrest warrants ang hindi naisisilbi sa MILF areas.