Advertisers
AGAD inaprubahan ng House Committee on Appropriations sa loob lamang ng pitong minuto ang kabuuang P9.031 bilyon na panukalang budget para sa tanggapan ng pangulo sa susunod na taon.
Nagmosyon si Majority Leader Mannix Dalipe na i-terminate ang budget briefing at aprubahan agad ang budget ng Office of the President bilang kortesiya sa ehekutibo na co-equal branch ng Kongreso.
₱6.87 billion sa budget ng tanggapan ng pangulo ay para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE.
₱1.56 billion naman ang inilaan para sa personal services habang ₱590 million ang para sa capital outlay.
Tumaas ang personnel services dahil sa increase sa premium contribution sa Philhealth, pagpapatupad ng Salary Standardization Law at pagpuno sa mga bakanteng planitlla position.
Nagkaroon din ng increase sa MOOE dahil para sa travel expenses dahil sa unti-unting pagbubukas ng travel restrictions.
Nagpasalamat naman si Executive Sec. Vic Rodriguez sa mga mambabatas at nangako na kaisa ang Office of the President sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga Pilipino at nation building alinsundo na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Samantala, nagbanta naman ang house minority group sa pangunguna ni kabataan partylist Representative Raoul Manuel na bubusisiin nila ang budget ng office of the president pagdating nito sa plenaryo.