Advertisers

Advertisers

Oct. 31 special non-working holiday

0 167

Advertisers

INANUNSYO ni Office of the Press Secretary officer in charge Usec. Cheloy Garafil na pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang proclamation na nagdedeklara sa October 31 ngayong taon bilang special non-working holiday.

Ito ay para mabigyan ng mahaba-habang panahon ang ating mga kababayan na gunitain ang panahon ng todos los santos.

Ang October 31 ay Lunes kaya magiging long weekend ang bago magkatapusan ng buwan o mula Sabado, October 29 hanggang sa November 1, All Saints Day, araw ng Martes.



Dagdag pa ni Garafil, may sapat na panahon para makauwi sa kani-kanilang lalawigan ang ating mga kababayan para bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay hanggang muling ma-kabalik kung saan man sila naninirahan o nagtatrabaho. (Vanz Fernandez)