Advertisers
BANGKAY na nang matagpuan ang lalaking bagong withdraw ng 4Ps nang tumalon sa tulay noong Huwebes.
Kinilala ang lalaking benepisyaryo ng 4Ps na si Joebeth Galletes, 40 anyos, residente ng Barangay Malansad Viejo, Libmanan, Camarines Sur.
Natagpuan ang biktima sa ilog sa bahagi ng Barangay Malbogon, Libmanan nitong Sabado.
Ayon sa report, tumalon si Galletes sa PNR Bridge na sakop ng Barangay Potot, Libmanan, nitong Huwebes, November 17, 2022, nang mahulog ang kanyang bitbit na envelop na may laman na ATM card at cash na nagkakahalaga ng P16,000.
Ayon pa sa ulat, hindi marunong lumangoy ang naturang lalaki.
Sa aearch and rescue operation ng MDRRMO Libmanan natagpuan ang bangkay ni Galletes.