Advertisers
ANG bagong 6 na ektarya na atraksyon na binuksan sa publiko noong Nobyembre 30, ay ang pinakamalaking lights park sa bansa. Itinampok nito ang humigit-kumulang isang milyong Christmas lights gamit ang isang energy-efficient technology para simbolo ng pananampalataya at katatagan ng mga Taguigeño na bumangon mula sa kadilimang dulot ng pandemya.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang pinakabagong atraksyon na ito mula sa lungsod ay isang bagay na dapat ipagmalaki dahil ito ay sumasalamin hindi lamang sa pagkakakilanlan bilang isang ‘Probinsiyudad’ kundi pati na rin sa mga kahalagahan nito bilang isang komunidad.
Dagdag pa ni Cayetano, higit pa sa dekorasyon at mga ilaw ng parke ang tunay na kahulugan ng Pasko: si Kristo na naging tao para iligtas ang mundo. Siya ang tunay na liwanag sa ating buhay.
Bukod sa mga Christmas tree lights, ang mga Taguigeño ay maaaring magpailaw sa mga instalasyong may temang Pasko kabilang ang Little Drummer Boy at mga nativity scene.
Nagtampok din ng pasilidad ng iba pang pampamilyang rides, aktibidad at palabas. Isang Village train at walking tour ang magdadala sa mga bisita sa three zones ng Christmas by the Lake na kinabibilangan ng Lights of the City, the Heart of Christmas at the Spirit of Christmas.
Sa Christmas By the Lake ay maaaring ipahayag ng mga bisita ang mga bagay na pinaka-pinasasalamatan nila para sa taon at ang kanilang pagbati sa Bagong Taon , sa laso na maaari nilang itali sa ‘gratitude tree’ sa tulong ng mga marshalls.
Tinangkilik din ng mga Taguigeño ang iba pang atraksyon tulad ng Aqua Luna Lights and Sounds Show na nagtatampok ng lazer at beam animation na naka-synchoronized sa magagandang sound effect at isang aerial light show na tinatawag na ‘Sinagtala’.
Ang isang mas malaki kaya sa life walkthrough na kaleidoscope upang magkaroon ng mga Instagram-worthy pictures ay makukuha rin sa Interactive Art Murals, habang ang mag-asawa ay maaaring maglakad sa kahabaan ng pathway na ito na puno ng mga ilaw habang nagbababad sa mga magagandang tanawin ng parke sa Walkway of Lights.
Ang TLC Foof Park (Mercado X Mercado) ay magbubukas ng 2pm habang ang Mercado del Lago Floating Village, Food Park at Activity Hall ay bukas ng 4pm. Bukas naman ng 5pm ang Gates of the Lights of Christmas (TLC) Park.
Ang lahat ng mga atraksyon bukas hanggang hatinggabi.(JOJO SADIWA)