Advertisers
NASAWI ang isang criminology student, at sugatan ang backrider nito nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang tanker truck sa national highway sa Barangay Puting Bato West, Calaca City, Batangas, Martes ng umaga.
Dead-on-arrival sa ospital si Emil Talosig, 20 anyos, criminology student ng Rizal College of Taal at residente ng Calaca City.
Sugatan naman at naka-confine pa sa ospital ang backrider na isa rin estudyante na si Jayrius Riosa.
Ayon sa imbestigasyon ng Calaca Police, galing sa kanilang eskwelahan sa Taal ang mga biktima at papauwi na sa Calaca nang mangyari ang aksidente.
Nakakulong na sa Calaca Police Station ang driver ng tanker truck na si Alejandro Jaldo, taga-Balagtas, Bulacan.