Advertisers

Advertisers

MAHARLIKA INVESTMENT FUNDS OK PERO HINDI PA NGAYON — REP. BORDADO JR.

0 192

Advertisers

Inihayag ni Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr. na maaaring maging kapaki-pakinabang sa bansa ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) pero hindi pa ngayon ang panahon para ipatupad ito.

Sa isang manipestasyon sa regular na sesyon ng plenaryo noong Martes, sinabi ni Bordado hindi pa napapanahon ang pagpapatupad nito dahil lubog pa sa utang na P13.2 trilyon ang bansa.

“The intention of sovereign wealth funds is very laudable, its primary functions are first and foremost, to stabilize the country’s economy through diversification and second, to generate wealth for future generations. As the president’s economic team puts it, the Fund can bring both direct and inter-generational benefits,” pahayag ni Bordado.



Aniya, ang paglalagay ng sovereign wealth fund sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund, ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa bansa kung gagawin nang maayos at sa tamang panahon.

“We have seen the success of sovereign wealth funds such as the Norwegian Fund, which is now worth $1.2 trillion,” anang mambabatas.

Ayon pa sa Bicol lawmaker, ang Norwegian Fund ay itinuturing na pinakamalaki at isa sa pinakamatagumpay na sovereign wealth fund at ang iba pang kapansin-pansing sovereign wealth fund ay kinabibilangan ng Abu Dhabi, China, Kuwait, at Singapore kung saan ang pinakahuling nagpatupad nito ay ang Indonesia.

Sa kabila ng napatunayang tagumpay ng iba pang SWF, sinabi niya na itinakda ng Santiago Principles na ang SWF ay dapat na binubuo ng fiscal stabilization funds, savings funds, reserve investment corporations, development funds, at pension reserve funds nang walang tahasang pananagutan sa pensiyon.

Pinuri naman ni Bordado ang mga may-akda ng House Bill 6398 o ang Maharlika Investment Fund Bill, para sa pagtanggal sa Social Security System (SSS) at Government Social Insurance System (GSIS) para sa pagkukunan ng pondo.



Gayunpaman, kinuwestiyon ng Bicol lawmaker ang tiyempo ng pagsusulong para sa MIF sa panahong ito kung kailan kailangan pang makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pandemya.