Advertisers
NASAWI ang isang lalaki nang nakuryente nang tumulong sa mga bumbero sa pag-apula ng apoy sa sunog sa Sitio Cruzan, Barangay Bulacao, Talisay City, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Jonard Requilme, 21 anyos, residente sa nasabing lugar.
Ayon kay Fire Officer 2 Mar Dee Auxtero, aksidenteng nahawakan ni Requilme ang live wire habang hinihila nito ang kanilang water hose.
Nabatid na umabot sa P1.5-million ang danyos sa nasabing sunog kungsaan nasa 20 kabahayan ang natupok at 161 indibidwal ang apektado.