Advertisers

Advertisers

Mag- ama, nalitson ng buhay sa sunog

0 171

Advertisers

Natusta ang mag-ama sa naganap na sunog sa Plaridel, Pulilan Diversion road, Brgy. Sto. Cristo sa bayan Pulilan.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director PCol.Relly Arnedo, kinilala ang mga nasawi na sina Jeffrey Mijaro Y Sapinoso, 33, ama nang 5 taong gulang na anak na babae na nakilalang si Princes.

Base sa paunang imbestigasyon ni PSSg.Marcelo Pardo, una nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang senglot na ama at ang ina ng bata na si Sharlene Mijaro, 40 anyos, kung saan pinipilit ng asawa nito na kunin ang kanilang anak na babae.



Subali’t hindi pumayaga ang misis dahil dito dali-daling umalis si Mister. Ilang minuto pa ang lumipas bumalik ito na may dalang isang galon ng gasolina at agad na binuhusan ang paligid ng kanilang bahay.

Sa ulat, 9:50 ng gabi ng sumiklab ang sunog sa tahanan ng mga biktima.



Nabatid na pilit pinasok at kinuha ng lasing na ama, ang kanyang anak subali’t hindi na rin ito nakalabas ng bahay na naging sanhi ng malagim nilang kamatayan, masuwerte naman nakaligtas ang ina ng bata.

Agad na humingi ng tulong ang ina ng bata, subali’t huli na ang lahat dahil 11:15 nang gabi nang maka-responde sa lugar ang truck ng bumbero. (Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">