Advertisers

Advertisers

24 KERNEL AT HENERAL AYAW PA MAGBITIW!

0 141

Advertisers

NASA 24 pang 3rd level officials ang hindi nakakapagsumite ng kanilang “courtesy resignation”.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin Jr., dalawa sa mga ito ay heneral at limang kernel na magreretiro ngayong 1st quarter ng taon.

Sinabi ni Azurin, umaasa siyang magko-comply ang mga ito dahil hanggang Enero 31, 2023 pa naman ang deadline sa paghahain ng courtesy resignation.



Paliwanag ni Azurin, pangunahing sentimyento ng mga ito kaya’t hindi pa sila nagsusumite ay dahil ang pagiging opisyal ng PNP lang ang kanilang career at pinagtrabahuhan sa nakalipas na 30 taon.

Pangamba rin ng ilan na baka magkamali sa pag-e-evaluate at pag-assess ang binuong 5-man committee, na imbes na sila ay malinis ay madungisan pa ang kanilang pangalan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">