Advertisers
DALAWANG batang babae ang magkasunod na ginahasa ng kanilang lolo sa Lopez, Quezon.
Ayon sa pahayag sa pulisya, ang magkapatid na biktima ay nakilalang sina alyas “Iya” at alyas “Lyka”.
Unang pinagsamantalahan ng kanilang lolo noong January 14 ng tanghali si Lyka sa kuwarto ng kanilang bahay. Nag-iisa umano ang bata sa loob at naglalaro sa labas ang kapatid.
Kinabukasan ng gabi, January 15, si Iya naman ang pinagsamantalahan ng matanda sa parehong lugar.
Nakainom umano ang lolo nang kaladkarin ang apo sa kuwarto at pagsamantalahan.
Napag-alaman na nasa pangangalaga ng lolo ang dalawang bata dahil nagtatrabaho sa ibang lugar ang mga magulang ng mga ito.
Matapos magsumbong sa barangay, sinamahan ng isang barangay official ang dalawa sa presinto at ipinagharap ng reklamong rape ang kanilang lolo.