Advertisers
NASAWI ang driver ng motorsiklo nang makabanggaan ang pick-up na pagmamay-ari ng isang alkalde sa Camarines Sur.
Sa ulat, nangyari ang aksidente 8:45 gabi ng Lunes sa kurbadang parte ng Barangay San Roque.
Sangkot rito ang pick up na dala ni Isagani Buela, 56 anyos, ng Calabanga, Camarines Sur at ang motorsiklong mula sa Naga na minamaneho ni Jose Bueza Y Olalo, 51, ng Tinambac.
Ayon kay Captain Rechilda Matias, hepe ng Bombon PNP, nakain ng motorsiklo ang linya ng pick up, mabilis ang takbo kaya hindi na nakontrol pa ang motor.
Dead on arrival sa hospital ang driver ng motorsiklo. Nasa maayos na kalagayan naman ang driver ng pick-up pati ang sakay na si Mayor Eugine Severo.
Nangako ang alkalde na tutulong sa pamilya ng nasawing driver ng motorsiklo.