Advertisers

Advertisers

Sec. Galvez inamin ang pagkaligalig ng ilang senior officials sa AFP

0 131

Advertisers

NAGSALITA na si Defense Secretary Carlito Galvez Jr., sa mga napaulat na pagkaligalig ng ilang matataas na opisyal ng AFP.

Inamin na ni Galvez na hindi kampante ang mga opisyal sa ilang probisyon sa batas na nagtatakda ng ‘fixed three-year terms’ sa mga matataas na opisyal.

Si Sen. Jinggoy Estrada ang kumulit kay Galvez ukol sa pag-ugong na may mga naliligalig na opisyal sa sandatahang-lakas.



“Yung grumbling normal na pag merong inefficiency and valid concerns,” paglalahad ni Galvez sa pagdinig ng Senate Committee on National Security, na pinamumunuan ni Estrada.

“I admit there’s grumbling kasi nakikita natin maraming affected,” sinabi pa ng kalihim.



Ibinahagi ni Galvez na bago tumulak sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay naayos na rin ang mga gusot.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">