Advertisers

Advertisers

SANGGOL IPINAGPALIT NG SHABU NG ADIK NA INA!

0 244

Advertisers

NILALAGNAT at may ubo nang masagip ng mga awtoridad ang isang sanggol na anim na buwan gulang na ipinagpalit ng nanay sa shabu sa Dasmariñas, Cavite.

Sa ulat, sa liblib na lugar sa Paliparan natunton ng mga tauhan ng Cabuyao Police at City Social Welfare Office ang naturang sanggol.

“Parang barter ang dating… marami na tayong nahuli hindi ganoon pero ito iba kasi ‘yung anak niya ang ginamit niya para makakuha ng drugs,” saad ni Cabuyao Police chief, Lieutenant Colonel Jack Angog.



Ayon sa ulat, naaresto noong Sabado ang ina sa isang buy-bust operation. Bukod sa droga, natagpuan din sa kaniya ang mga damit ng baby. Dito nabisto ng pulisya ang nangyari sa sanggol.

“Tapos kung magkano man ‘yung kikitain niya du’n, ibabalik niya, ibibigay niya du’n worth the same shabu para makuha niya ulit ‘yung anak niya,” ani Angog. “Ang una, sinabi niya is kalahating [shabu].”

Aminado ang ina ng sanggol na nagpunta nga siya sa Cavite para kumuha ng ilegal na droga. Pero iginiit niyang iniwan lang niya doon ang anak.

“Kumuha po ako ng droga na may bitbit akong pera halagang P2,000. P500 ang back and forth ko, ay kinuha ko ng drugs. Bitbit ko ang anak ko dahil gabi na. Kaibigan ko naman ‘yung pinuntahan ko. Sabi niya ‘wag isapalaran ‘yung bata,” paliwanag niya.

Nasa mabuting kalagayan na ang sanggol na nasa pangangalaga ng CSWD.



Sinampahan na ng mga reklamong paglabag sa RA 9165 ang adik na ina na nakakulong ngayon sa Cabuyao Police Station.