Advertisers

Advertisers

P10m Ecstasy drugs nadiskubre sa parcel galing Belgium

0 176

Advertisers

NADISKUBRE ng mga otoridad ng Regional Drug Enforcement Unit at ng Dasmarinas City Police ang isang parcel na naglalaman ng mga iligal na droga na nagkakahalaga ng hindi bababa sa sampung milyon piso galing ng bansang Belgium na idinaan sa parcel delivery service sa Barangay Burol Uno, Dasmarinas City, Cavite.

Sa report ng Dasmarinas City Police, nagpunta sa barangay hall sa kanilang lugar sina Marisa Vallejos, 51 anyos; at Glenda Manuel, nasa hustong gulang, mga residente ng nabanggit na barangay upang ipaalam ang parcel na may kahina-hinalang laman na ipinadala ng isang Marco Williams galing sa address na Clos Jean Van Ryn 102, Woluwe, Saint Lambert, Belgium.

Ayon kay Vallejos, nagkaroon sila ng palitan ng mensahe sa social media ng foreigner na si Williams, subalit nagulat na lamang siya nang may dumating na parcel sa kanilang bahay. At nang tawagan ng kumpanyang Philpost, sinabing galing kay Williams na ipinabibigay naman sa isang hindi pa pinapangalanang tao. Pero hindi na umano muling tumawag ang banyaga.



Nang buksan nina Vallejos ang package, ito’y may laman na 7 canned goods. Subalit nang mabuksan ay nakita niya ang mga kahina-hinalang tabletas kaya’t nagdesisyon sila na dumulog sa kanilang barangay officials, na tumawag naman sa mga otoridad. At doon nadiskubre na ang laman ng mga de lata ay ang humigit kumulang sa 6,266 piraso ng tableta ng “ecstasy” na nagkakahalaga ng P1,700 kada tableta at may kabuoang halagang P10,652.200.00 na agad naman itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 4A).

Sinabi ni Calabarzon Regional Director, Brig. General Jose Melencio Nartatez Jr., malaking grupo ng sindikato ang nasa likod ng hindi natuloy na transaksyon na gumagamit ng delivery services para sa kanilang modus operandi.

Babala ni Nartatez sa publiko: mag-ingat sa mga hindi kilalang tao na nakakausap, at agad tumawag sa mga otoridad kapag nakatanggap ng mga parcel o package na may laman ng mga kahina-hinala. (KOI LAURA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More