Advertisers

Advertisers

Nursing student nasawi, 4 sugatan sa araro ng truck sa Cavite

0 71

Advertisers

NASAWI ang isang nursing student habang sugatan ang apat iba pang mag-aaral nang araruhin ng isang ELF truck sa loob mismo ng Cavite State University main campus sa Indang, Cavite.

Ayon kay Police Senior Msgt. Nimuell Ace Ferrera, nagtamo ng serious physical injuries ang mga estudyante na kaagad dinala sa General Emilio Aguinaldo Hospital sa kalapit na lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Indang Police, nakalimutan umano mag-handbreak ng driver ng truck na si Federico Galang nang iparada nito ang sasakyan kaya dumire-diretso ito sa mga biktima na 1st yearr BS Biology Students na nagbabasa lamang ng libro.



Nakakulong na ang truck driver.

Tiniyak naman ng unibersidad ang tulong sa mga biktima.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More