Advertisers

Advertisers

‘ICC NA MAG-IIMBESTIGA SA WAR ON DRUGS ARESTUHIN!’

0 152

Advertisers

HINDI dapat payagan ng pamahalaan na imbestigahan ng mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) ang sinumang opisyal ng Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ng 98-anyos na Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile nang payagan ng ICC ang hiling ng prosecutor nito na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa madugong war on drugs.

Ayon kay Enrile, bilang abogado ng pangulo, hindi niya kikilalanin ang kapangyarihan ng ICC dahil “wala itong hurisdiksyon” sa Pilipinas, makaraang kumalas ang bansa sa Rome Statute na nagtatag sa nasabing international tribunal.



Aniya, dapat ipaaresto ang mga ICC investigator na pupunta sa Pilipinas para imbestigahan ang nangyari sa mga biktima ng giyera kontra droga noong panahon ni President Rody Duterte.

Iginiit ng dating senate president na masyado nang nakikialam ang ICC sa usaping panloob ng Pilipinas, at sa halip na agarang magdesisyon dapat munang humingi ng permiso para makapasok ang kanilang mga imbestigador sa bansa.

Ang war on drugs, na sinasabing halos 20,000 ang nasawi, pero higit 5,000 lang sa datus ng Philippine National Police (PNP), ay nangyari noong miyembro pa ng ICC ang Pilipinas.

Kumalas lang sa ICC ang Pilipinas nang ihayag ng international court na iimbestigahan nila ang mga reklamo ng pagpatay at human rights violations sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">