Advertisers

Advertisers

Sey mo Janine…Jane binisto, pantasya si Paulo

0 161

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL nagbibida na si Jane de Leon via Mars Ravelo’s Darna ng ABS-CBN kaya tinanong siya sa grand finale presscon ng nasabing fantaserye kung okey lang ba sa kanya na tumanggap pa rin ng supporting roles.
Ang sagot niya,”Why not? I’m open naman po. Basta it really depends on the story and the character. ‘Yun po.”
Si Joshua Garcia ang leading man ni Jane sa Darna. Sa mga susunod niyang proyekto, sino naman ang gusto niyang maging leading man, o may dream leading man ba siya?
“Actually, marami naman po akong gustong makatrabahong artista. Pero ang isang dream leading man ko is, si Paulo Avelino. He was supposed to be my leading man sa Darna movie.
“I think alam naman po niya na crush ko siya. Kung hindi man natuloy ang Darna movie, looking forward pa rin ako na makatrabaho siya.”
Marami nang gumanap na Darna sa pelikula at telebisyon tulad nina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Regine Velasquez at Angel Locsin. Paano siya nagko-cope up sa pagkukumpara sa kanya sa mga ito?
“With that naman po sa pagku-compare, actually, may mga sari-sarili po kaming tatak na ginawa po as Darna. And I think,’yun po ang pagkakaiba sa amin, especially with the story, with the costumes, and with the villains.
“Pero pare-pareho naman pa ang ibinibigay naming effort sa show.”
Sa mga bashers niya na hindi nagugustuhan ang pagpili sa kanya o pagganap niya bilang si Darna, kung ililipad niya ang mga ito, saan niya dadalhin?
“Siguro sa bahay ni Valentina,” natatawang sagot ni Jane.
Ang Darna ay mapapanood na lang sa loob ng dalawang linggo sa Kapamilya channel, A2Z at TV5.
***
NAPANOOD namin ang concert ni Toni Gonzaga billed as I Am Toni na ginanap sa Araneta Coliseum noong January 20, Friday. Ang concert ay para sa selebrasyon ng kanyang ika-20th anniversary sa showbiz, at kasabay na rin ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.
In fairness, nag-enjoy kami sa concert ng singer-actress-TV host. Nagustuhan namin ang kanyang performances at reportoire, na kasama ang kanyang sikat na single noon na Catch Me I’m Falling.
Naging special guest ni Toni sa kanyang concert ang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga. At kwela ang kanilang production number, huh! Siyempre, komedyana kasi si Alex kaya hinaluan niya ng comedy ang performance niya.
Isa rin si Andrew E sa naging speciaal guest ni Toni. Kinanta niya ang hit single niya noon na Humanap Ka ng Pangit at Banyo Queen.
Ang Concert King na si Martin Nievera ay naging special guest din ni Toni. Pero bago lumabas sa stage si Martin, pinuntahan muna ni Toni ang kanyang Daddy Bonoy sa audience.
Sinabi ni Toni na sa kanyang butihing ama siya nagmana ng magandang boses. At paborito nito si Martin.
Pinakanta ni Toni si Daddy Bonoy ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin, na sikat na kanta noong 80’s ni Martin. Habang kumakanta si Daddy Bonoy, doon na lumabas si Martin at sinbayan niya ang pagkanta nito.
Sa totoo, jampacked ang concert ni Toni. Witness talaga kami kung gaano karami ang nanood ng kanyang concert. Hindi siya pinabayaan ng kanyang mga tagahanga at mga nagmamahal sa kanya.
Siyempre present sa concert ni Toni ang kanyang Mommy Pinty, na tumatayo ring kanyang personal manager, ang kanyang mister na si Direk Paul Soriano at anak na si Seve.
To Toni, congratulations sa success ng iyong concert!