Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
PALABAN at game sa mga daring na lovescenes ang newbie sexy actress na si Emelyn Cruz. Mapapanood ang talent na ito ni Lito de Guzman sa pelikulang Mang Kanor na available na ngayon sa AQ Prime streaming app.
Tampok ang veteran actor na si Rez Cortez sa pelikulang ito bilang si Mang Kanor at kasama niyang sumabak sa matinding lampungan sina Nika Madrid, Emelyn, Seon Quintos, at Rob Sy, with Via Veloso, Rain Perez, Atty. Aldwin Alegre, Carlo Mendoza, John Flores, at Joni McNab.
Si Emelyn ay isang Playboy Philippines model at kabilang sa palaban sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Greg Colasito.
Sa matitindi at maiinit nanromansahan ng aktres kay Seon, aminado si Emelyn na tinablan at nag-wet siya.
Nakangiting esplika ng aktres, “Sa totoo lang, hindi ko alam na ganoon pala kahaba ang sex scenes namin. Parang lahat ng positions ay nagawa namin ni Seon, eh.
“Aminado naman ako, nadala ako sa eksena, nag-wet ako, human nature naman iyon when someone touches you and you’re naked. Of course you will get aroused.
“But at the end of the day, we think of it as a job,” aniya pa.
Sa love scene ba nila rito, may naramdaman siyang nag-react na kargada?
Nakatawang sambit ni Emelyn, “Ang nangyari kasi, noong may love scene kami sa wall, biglang may naramdaman akong tumusok.”
Nang usisain pa kung nag-plaster ba siya sa love scene niya rito, ito ang tinuran ni Emelyn, “Basta may pumitik na plaster!
“For me kasi, it doesn’t matter kung naka-plaster or hindi as long you’re in that moment and you feel the scene. So, iyon lang, ‘yung parang you have to live the moment at that time, let it all out.”
Ayon naman kay Direk Greg, ang Mang Kanor ay base sa viral video scandal ng isang senior citizen noong 2018, na during that time ay very controversial talaga. Pero kahit na animo piyesta sa mga pasabog, maiinit, at wild na sex scenes ang pelikula, may mapupulot na aral dito.