Advertisers

Advertisers

Bisaya nagtaray sa bashers sa pagkakalat ng tsikang hiwalay na sina Pacman at Jinkee

0 168

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

HINDI na nakapagpigil si Annabelle Rama na tarayan ang mga nagkakalat ng fake news sa mga kaibigang sina Manny at Jinkee Pacquiao.
Paglilinaw ni Annabelle sa kanyang Instagram page na walang katotohanan ang balitang hiwalay na ang mag-asawa na nauwi sa pagpa-file raw ng annulment ni Jinkee.
Ayon pa kay Bisaya (tawag kay Annabelle) very much together pa rin daw ang mag-asawa at imposibleng maghiwalay ang mga ito.
“SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN N`YO NA ANG PAG-IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKEE NA MAG-FILE NG ANNULMENT AT KAWAWA MAMAN DAHIL BUNTIS.
“I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NA NAG-TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS. NO IT`S A FAKE NEWS, UNANG=UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAGHIWALAY ANG MAG-ASAWA DAHIL NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY,” paglilinaw ni Annabelle.
Sabi pa ni Annabelle, abala nga raw si Jinkee ngayon sa pagpapagawa ng mansion nila.
“BUSY SI JINKEE SA 3 HECTARES MANSION NA IPINAPA GAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG-ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS,” say pa ni Bisaya.
Mensahe ni Annabelle sa nagkakalat na tsismis na mamatay na lang daw ito sa inggit.
“KAYA YUNG MGA MARITES. TIGILAN N`YO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT,” mensahe ng nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez.
Nagsimula ang fake news sa isang YouTube channel na ibinalita ng vlogger na hiwalay na ang mag-asawa at magpa-file na ng annulment si Jinkee.
Marami nga ang nag-suggest na kasuhan ang vlogger pero tila wala naman balak si Jinkee na magdemanda pa at ipinauubaya na lang niya ito kay Lord.
***
Pokwang ipinagsigawan, palamunin ang ama ng anak
Tila mapupunta sa demandahan sina Pokwang at Lee O`Brian dahil sa naging sagot ng komedyante sa netizen na nag-comment ng talakera raw si Pokwang kaya iniwan.
Hindi pinalampas ni Pokwang at sinagot na, “T*nga, nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siyang palamunin at limang taon na walang child support! Wag ka na, baka madamay ka sa demandahan, namin hahahaha!”
Ayon pa kay Pokwang hindi siya ang iniwan.
“Bwahahaha! Tanungin mo siya bakit ko siya pinalayas!!! Tanungin mo now na! Dalahirang Marites, B*BA naman!!!”
May nagsabi pa na baka kaya ipinagtatanggol si Lee ay baka kaibigan nito ang babaeng involved.
Pakisabi, congrats, nagtagumpay siya na wasakin ang puso ng anak namin na nangarap na mabuo kaming muli!”
Nagtagumpay ang netizen galitin si Pokwang at dahil dito ay nalaman tuloy ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee.
Naawa ang mga netizen sa binulgar ni Pokwang na nangarap si Malia na mabuo uli sila dahil parang malabo na itong mangyari sa ngayon.
Samantalang balak ipa-rent ni Pokwang ang summer house niya sa Camaya Coast simula next year. Ngayon ay may mga nagpa-booking na sa kanya at isa na si Nelson Canlas ng GMA 7. Interesado rin si Rhian Ramos na magpa-booking sa nasabing summer house ng komedyante.
Marami rin ang nagtatanong kung magkano magpa-book sa La Casa Malia. Next year ay ready na ang summer house to accommodate guests.