Advertisers

Advertisers

Lalaki nanaga ng utol bago naglaslas ng leeg-patay

0 145

Advertisers

Humantong sa pananaga sa kapatid at pagkitil ng sariling buhay ang hindi pagkakaunawaan at umano’y depression na dinaranas ng isang lalaki sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Ito ang inihayag ni Police MSgt. Rhea Luz Gatinao, information officer of Tupi Municipal Police Station.

Kinilala ang biktima na si Renato Casi, 30 anyos, may asawa at residente ng Purok 5, Brgy, Acmonan, Tupi, South Cotabato; habang ang salarin ang nakatatandang kapatid nito na si Ruben Casi, 36 anyos, at parehong residente sa nabanggit na lugar.



Sa ulat, 3:00 ng madaling araw nang pinasok ng salarin ang kanyang katapid sa loob ng bahay nito at habang natutulog tinaga ang biktima at pagkatapos naglaslas din ng kanyang leeg.

Mabuti na lamang at naagapan si Renato na nagtamo ng sugat sa gilid ng taenga nito nguni’t binawian ng buhay ang salarin sa ginawa nitong pagpapakamatay.



Dagdag pa ni Gatinao, makailang beses na umanong nagtangkang magpakamatay si Ruben bago pa man ang insidente.

Napag-alaman na may sakit itong diabetes at dahil sa aksidente nagkaroon ng kapansanan sa paa at hindi na makapagtrabaho ng maayos kaya’t nagkaroon ng depresyon.



Sa ngayon, nagpapagaling na si Renato sa South Cotabato Provincial Hospital.
Itinuturing naman ng Tupi Municipal Police Station na case close na ang insidente dahil namatay na ang salarin.