Advertisers
Patay ang may-ari ng isang pawnshop nang taniman ito ng bala sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Cebu City noong Lunes.
Kinilala ang biktima na si Joseph Canonego, 58, ng Barangay Mambaling.
Sa ulat ni Staff Sgt. Kitz Pala ng Carbon Police Station, nakahinto si Canonego, lulan ng kanyang motorsiklo sa kanto ng Colon at Panganiban st. nang dikitan ito ng naka-motorsiklo ring gunman at barilin sa ulo.
Hinala ng pulisya, sinundan ng gunman ang biktima nang lumabas ito sa kanyang pawnshop na matatagpuan sa isang mall sa lungsod.
Inaalam pa ang motibo sa pagpaslang sa biktima.