Advertisers
Kulong ang isang food delivery rider at bodybuilder nang barilin at mapatay ang hipag at pamangkin sa Brgy. San Isidro, Talisay City, Cebu nitong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Hilda Fernandez (hipag ng salarin); at Gilbert Fernandez (pamangkin).
At sugatan ang isang pang kaanak na si Irene Fernandez.
Ayon sa report ng Talisay City police, nagwala at tila nag-amok ang salarin na si Rogelio Fernandez Jr., 39 anyos, delivery rider, nang hindi nito makita ang kanyang mga dumbells na ginagamit sa body building.
Narinig na lamang ng mga kapitbahay ang sunod-sunod na putok mula sa bahay ng mga biktima.
Parehong dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.
Nasugatan din ang isang pang kaanak na si Irene Fernandez.
Nasa kustodiya na ng Talisay City police ang Rogelio at nahaharap sa kasong double murder.