Advertisers
NASABAT ng mga awtoridad ang nasa 17.6 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P120 million na nakalagay sa bagahe ng pasaherong South African sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA), Miyerkoles ng gabi, Pebrero 1, 2023.
Kaagad nagresponde ang PDEA 7 Airport Interdiction Unit (AIU) at K9 Unit, pati ang Bureau of Immigration, PNP AVSEU, NBI, at MCIAA ESSD-APD, nang humingi ng tulong ang Bureau of Customs Port of Cebu-Subport of Mactan nang masilip sa x-ray ang kaduda-dudang bagay sa loob ng isang briefcase at 2 checked-in suitcases ng isang South African na nakilalang si Pietro Aliquo mula sa Doha, Qatar.
Naalerto ang handler ng K-9 dog nang ‘di mapakali at upuan nito ang briefcase. Nang inspeksiyunin ang tatlong items ay nadiskubre ang kauuang 10 pakete ng shabu na may timbang na 17,699 grams at nagkakahalaha ng P120,353,200.
Sa initial tests sa substances na isinagawa ng PDEA 7 chemist nakumpirmang positibo na shabu.
Ang banyaga ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs), Article II of RA 9165.(KOI LAURA)