Advertisers
Naaresto ang 851 katao na kinabibilangan ng 350 dayuhan at 500 Filipino na emplayado ng Hong Sheng Gaming Technology ang inaresto ng mga elemento ng Crimimal Investigation and Dection Group (CIDG) nang salakayin ang isang offshorr gaming company na sangkot sa cryptocurrency investment scam sa Bamban, Tarlac.
Ayon kay BGen Romeo M.Caramat Jr, CIDG Director, 5:00 ng hapon ng salakayin ng mga elemento ng CIDG Regional Field Unit 3, Anti Cyber Crime Group, Special Action Force , Bamban Police Station ang Hong Sheng Gaming Technology Inc sa Sitio Pag-asa, Brgy Anupul, Bamban Tarlac.
Isinagawa ang operasyon base sa search warrant na ipinalabas ni Hon. Maria Roma Flor A Ortiz, Presiding Judge of RTC Br 63, Third Judicial Region, Tarlac City.
Sinabi ni Caramat na ang Hong Sheng Gaming Technology Inc lisensaydong bilang POGO ngunit ang nasabing kumpanya ay ginagamit sa cryptocurrency investment scam.
Isinailalim ng PNP-ACG sa identifying processing at examiming ang lahat ng mga computer data na nakumpiska mga ebidensiya sa nasabing establisimento.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag Section 26 of RA 8799 (Securities Regulations Code of the Philippines) in relation to Section 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at Human Trafficking ( RA 9208) sa korte
Naglunsad naman ng manhunt operation laban sa tatlong dayuhan na nakilalang sina Thelma Barrogo Larnan, Yu Zheng Can, and Zhiyang Huang a.k.a. “Boss Wang”. (Mark Obleada)