Advertisers
NATIMBOG ng pulisya ang dating miyembro ng Philippine Marines na most wanted sa Western Visayas sa kasong panggagahasa sa menor de edad na pamangkin noong 2020.
Sa ulat, Mayo 2020 nang mangyari ang krimen sa Pototan, Iloilo, pero natunton ang suspek ng Iloilo Police sa Cabuyao, Laguna.
Depensa ng suspek, hindi siya nagtago dahil hindi niya alam na may kinahaharap siyang kaso, at pinabulaanan niyang hinalay niya ang kaniyang pamangkin.
“Na-set up lang ako riyan, pamangkin ko ‘yun eh. Sa bahay lang nakatira eh, silang mag-ama,” sabi ng suspek.
At nang tanungin kung sino ang mga complainant, “’yung mga Marites”, sagot ng suspek.
Ibiniyahe na papuntang Iloilo ang akusado para iharap sa korte.