Advertisers

Advertisers

“Hari ng lasangan”, puwede pang ipasada

0 165

Advertisers

Good news ba ang ‘ika niyo? Yes my dear Filipino brothers partikular na ang mga drayber ng kilalang hari ng lasangan “traditional jeep”. Napakaganda ng naging desisyon ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa inyo dahil ang kinakatakutan niyong mawawala na sa lasangan ang orihinal na jeepney ay mananatili pa ring pakner niyo sa hanapbuhay.

Aba’y magandang balita nga iyan kabayan…at tinitiyak ko na isa sa natutuwa ngayon ay ang aking tiyuhin na si Florentino Calata aka “Lolo Tiyo” dahil mananatili pa rin partner niya sa hanapbuhay ay ang kanyang “kabayo” na kung hindi ako nagkakamali ay kasing-edad n ani Rose, ang kanyang panganay. Huwag na tayong magbanggit ng edad. Basta ang jeep na ito ang siyang naging katuwang ni Lolo Tiyo para mapagtapos sa pag-aaral ang kanyang tatlong anak. Si Lolo Tiyo ay nasa edad 65 anyos na yata. Ganun katagal niyang naging partner ang kanyang traditional jeep. Hanggang ngayon, ipinapasada pa rin niya ito.

Heto ang ilan sa laman ng pahayag ng LTFRB…nakaka-touch kung baga….LTFRB is extending the validity of the provisional authority or franchise of the traditional jeepneys to ensure that no one will be left behind.



Napuna niyo ba ang mga huling kataga…walang iniwanan. Ganyan ang pamunuan ng LTFRB ngayon – makatao, makahirap at maunawain. Siyempre, iyan ang ahenya ngayon na pinamumunuan ni Atty. Teofilo Guadiz bilang chairman. Siyempre, katuwaan ni Guadiz sa pagdesisyon ay ang miyembro ng board ng ahensya.

Kahapon, inilabas ang desisyon makaraang pinal na deliberasyon para sa Public Utility Vehicle Modenization Progra (PUVMP)…ito na ang ika-apat na extention ibinigay para sa traditional jeepney at magiging huli na. Naku po, magiging huli na ito? Well, hindi naman natin masabi kung talagang ito nga ang magiging huli na pero, nagpahayag na ang ahensya.



Bagamat kompirmado na ang ekstensyon, ayon kay Guadiz ay kanila pang pinag-aaralan o binubuo ang pinal na detalye para sa tuntunin at regulasyon para sa ekstensyon.

Ano pa man alituntunin iyan, ang mahalaga dito ay napakagandang blita ang hatid ng LTFRB ngayon sa mga drayber.



Sa kasalukuyan talaan ng LTFRB, 60 porsiyento pa lamang ang sumailalim sa modernization program habang may 40 porsiyento pang nalalabi na target ng ahensya para sa nasabing programa. Ah! Basta, sa good news muna tayo para sa mga nalalabi pang drayber/operaytor na umaasa sa kanilang orihinal na hari ng lasangan.

“We do not want to leave anybody so what we want is to have at least 95% on board if we continue this PUV modernization (program),“ pahayag ni Guadiz.

“However, during the meeting, we will also discuss the possibility to fully implement the modernization program on areas where all jeepneys have already been modernized. But on areas where there are still jeepneys to be modernized, we will still stick to the traditional jeepney,” dagdag ni Guadiz.

Base sa talaan ng LTFRB kung saan hindi pa siyento porsiyento ang sumailalim na jeepney sa modernization, isa sa pinagbasehan at naging konsiderasyon ng ahensya para sa ekstensyon ay ang kakulangan ngayon ng public transportation. Nakita ng ahensya na sa inilabas nilang desisyon, ito ay makatutulong ng malaki sa publiko sa pagsakay, pauwi at papunta sa trabaho.

Muli, ano pa man ang ginagawang paghahanda ni Guadiz para makamit ang target na siyento porsiyento para sa jeepney modernization, ang mahalaga ngayon ay tuloy pa rin na nakapapasada at nakapaghahanap buhay ang mga umaasa sa traditional jeepney…Lolo Tiyo, ingat lang lagi biyahe…at ipon-ipon pa para makabili na ng modernong jeppney. Hehehehe.

Basta, salamat LTFRB sa pagdinig niyo ulit sa karaingan ng mga drayber natin na bigyan palugit pang makatakbo sa lasangan ang kanilang orihinal na sasakyan na kilalang hari ng lasangan.