Advertisers
Sapul sa CCTV camera ang pagnanakaw ng cellphone na nakalagay sa motorsiklo sa Barangay Sta. monica sa Puerto Princesa 4:00 ng hapon nitong Martes.
Kinilala ang biktima na si Jerome Valera, 18 anyos, high school student.
Ayon kay Valera, ipinarada niya ang kanyang Honda Beat Motorcycle sa talipapa ng Sta. Monica at may kinuha lamang siyang sander.
Pagbalik niya sa kanyang motorsiklo, wala na sa bulsa o lalagyan nito ang cellphone na Vivo Y20i na ginagamit niya sa pag-aaral na katatapos lamang mabayaran ng buo.
Makikita sa CCTV na mabilis na nadampot ng lalaki ang kanyang cellphone bago ito naglakad at sumakay ng motorsiklo.
Samantala, nai-blotter na sa Barangay ang insidente.