Advertisers

Advertisers

3 terorista tigok sa ‘fire mission’ ng militar

0 167

Advertisers

PATAY ang tatlo at isa sugatan na pawang miyembro ng Bangasamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction sa isinagawang fire mission ng militar sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao.

Nakilala lamang ang sa isa sa mga nasawi na si alyas Suharto, taga Brgy. Dapyawan, Datu Saudi Ampatuan, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang namatay at kasamahan na sugatan.

Ayon kay 33IB Commander, Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., naglunsad ng ‘fire mission’ ang kanilang tropa laban sa grupo ni alyas Boy Jacket ng BIFF, sa Barangay Liab, Mamasapano Maguindanao del Sur.



Sinabi ni Cadiente, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa presensya ng grupo ni Boy Jacket at labis nila itong pinangangambahan.

Pagdating ng mga sundalo sa nasabing lugar agad silang pinaputukan ng mga teroristang grupo na nauwi sa ilang minutong palitan ng putok na ikinamatay na tatlo haban nakatakas ang iba pa nilang kasamahan.



Narekober ng grupo ng 33IB sa lugar ang 1- 5.56mm M16A1 Rifle, 2 Homemade Revolvers ng Cal. 38mm at Cal. 5.56mm, 1 Cal.45 Pistol, 1 cartridge ng 81mm HE, 2- 40mm grenade launcher ammunition, 4 Cartridge ng 40mm at 3 Improvised explosive devices.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">