Advertisers

Advertisers

MARIJUANA NA ‘ ALTERNATIVE MEDICINE ‘ NG ISANG PASAHERO, NAKUMPISKA SA NAIA

0 166

Advertisers

ISANG departing passenger na patungong Bicol ang inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group ( ASG ) matapos mahulihan ng marijuana sa kanyang bagahe habang nasa loob ng Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) terminal 4 sa lungsod ng Pasay.

Ang nasabing dayuhan na kinilalang si Christopher Hill, nasa hustong-gulang, American national ay kasama ang kanyang ina na isang pinay na nakatakdang umalis alas-7 ng umaga sa NAIA terminal 4 para sa kanilang flight patungong Naga nang harangin ng mga otoridad.

Nabatid sa ulat na nakita ng OTS screeners sa x-ray machine nang lumabas sa image ng tv monitor sa bagahe nito ang isang stick na marijuana nang dumaan sa final check point ng mga pasahero.



Dahil dito agad na ipinaalam ng OTS personnel sa mga nakatalagang pulis ang hingil sa nakitang marijuana sa dayuhan.

Paliwanag ng nanay ng pasahero na ginagamit bilang gamot sa sakit ng kanyang anak ang dala nitong 1stick na marijuana kung saan hindi rin umano nila alam na bawal ito sa Pilipinas.



Anila, ligal umano sa bansa ng kanilang pinanggalingan ang marijuana bilang alternative medicine.

Ang nasabing pasahero ay inimbitahan sa himpilan ng pulisya upang magpaliwanag ukol sa pagdadala ng nakumpiskang marijuana. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">