Advertisers
Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang most wanted person at gun running group leader sa kanilang ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Pangasinan at Ilocos Sur.
Kinilala ang naarestong most wanted person na si Roderick Padron, 43, No. 1 Municipal Level Most Wanted Person sa Bantay, Ilocos Sur; at Trece Flores, 48, lider ng Trece Gun running Group na nag-o-operate sa San Fernando City, La Union
Sa ulat, most wanted person si Padron dahil sa kasong qualified rape, habang si Trece may kasong attempted homicide.(PFT team)