Advertisers

Advertisers

Wala sa kasal at b-day…Greta at Claudine, may away na naman?!

0 348

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ISA na nga raw karangalan para sa showbiz na may isang Pinay actress na nakasama sa Hollywood movie mula sa pelikula ng Spiderman The Homecoming.
Papasok sana si Liza Soberano as Marvelous character sa Spiderman as Maryjane.
Pero sa rebelasyon ng CEO ng Careless ay di nga raw pinayagan si Liza ng ABS-CBN.
Pagkakataon na nga raw sana noon pa na makilala ang husay ng mga Pinay actress pero hinadlangan anya ng management ang pagsali ni Liza as Maryjane sa Spiderman.
Nung panahon na ‘yun ay nasa pamamahala pa siya ng talent manager na si Ogie Diaz na umabot ng sampung taon.
Pero nalilito ang netizens sa rebelasyon ng CEO ng Careless samantalang matatandaan na noong 2016 ay pinabulaanan ni Liza na may offer sa kanya na mapasali sa Spiderman.
Si Liza na mismo ang tumanggi na makasama siya sa Spiderman dahil wala naman daw alok.
***
IBA ang post ni Claudine Barretto sa kanyang socmed account tungkol sa meeting nito sa mga big boss sa gagawin nitong bagong proyekto.
Kaya napansin ng netizens na ang hinahanap ay ang mga post sa pagpapakasal ng pamangking si Dominique Cojuangco kay Michael Hearn nito lang March 4 taong kasalukuyan.
Wala rin ang mudra ni Claudine na si Inday Barretto.
Kahit nitong nakaraang kaarawan ni Gretchennitong Marso 6 ay wala rin si Claudine.
Sa mga post ng kasal ng anak at birthday ni Gretchen ay napansin na wala si Claudine.
Kaya napaisip na naman ang netizens na baka may alitan or may war na naman ang mag-sissy.
Wish ng netizens na wala naman daw sanang namumuong alitan sa magkapatid na Barretto.
Matatandaan na naging close na sina Claudine at Ate Greta niya.
Nagtataka lang ang netizens na itong special na okasyon ng pamangkin at sister ay wala si Claudine.
Well, well, well…’Yun na!