Advertisers

Advertisers

Aksidente ang barrier sa motorsiklo

0 461

Advertisers

Ang plastic barrier sa pagitan ng drayber at backrider ng motorsiklo ay magbibigay lang ng aksidente! Sapat ng naka- facemask at helmet sa lahat. – Kaloy, concernd motorcyclist

Mga pulis sa Pritil, Tondo malulupet!

Magandang umaga po. Report ko po ang isang PULIS dito sa PRITIL PCP (MPD-PS1) yung  AQUINO . Masyadong mayabang at arogante. Yung mga naghahanapbuhay na tricycle at side car boy hinuhuli at sinisira yung mga bangko. Tapos yung isa pa pong pulis na BALANACAO ipinahihiya yung nahuhuling sidecar boy, pinagpu-push up sa initan, tapos hinihingan ng 50 pesos para hindi masira ni AQUINO yung upuan nila . TAMA BA YUN? Sana makarating ito kay  GEN. MIRANDA  at MAYOR ISKO MORENO. Pati yung CAPT. DE JOSE grabe magpaalis ng mga matatandang vendors, hindi na naawa sa mga nagsusumikap kumita pangbuhay sa pamilya. – Concerned citizen ng Tondo



 

Reklamo ng vendr vs pulis na Canlas sa Divisoria

Gud am po. Report ko po itong pulis na Canlas. Dito po kami nakapuwesto sa KP Tower at Piyesta Mall sa Juan Luna. Inaagaw niya ang mga paninda namin kahit naka- tabi na po. Pagkatapos tutubusin namin sa kanya mismo. Gusto nya po P500. Pag wala po kami maibigay P500 bawat isa amin, sasabihin nya po ‘wala na paninda nyo kinuha na DPS’. Pag pumunta naman po kami sa DPS, sasabihin samin ng DPS ‘wala kami kinukuha sa kanila’. Tapos po balik kami ke Ccanlas. Sabihin nya sa samin wala na daw mga paninda namin. Yun pala inutos nya sa asset nya na ibenta na lahat mga huling paninda. Salbahe po iyan pulis patola na Cnlas. Yorme sinisira ka ni Canlas. Alam mo Yorme Isko dating tao ni Mayor Erap Estrada yan si Canlas. Mga muslim vendor po kami . Sobra na pahirap ginagawa sa amin ni Canlas. Makakarma din po sya. – Muslim vendor