Advertisers

Advertisers

‘He killed an innocent person’… Liza dismayado sa pagpapalaya kay Pemberton

0 304

Advertisers

HINDI tanggap ni Liza Soberano ang  pagpapalaya o ang binigay na absolute pardon sa convicted na si US Marine Cpl.  Joseph Scott Pemberton.

Kaya sa kanyang social media ni Liza  ay nagpakita ito ng pagkadismaya sa naging desisyon ng korte sa pagpapalaya kay Pemberton.

Matataandaan na pinatay nito ang Filipino transgender na si Jennifer Laude noong 2014.



Kaya naman nahatulan ito ng 6-10 na taon na pagkakabilanggo. Kahit ang pamilya ni Laude ay nagulat at hindi matanggap ang pagpapalaya kay Pemberton at natuwa naman sila sa damdamin na inihayag ni Liza sa kanyang tweet.

Kabig ng abogado ni Pemberton, hindi raw sila nag-apply ng absolute pardon kay PDuterte sa panayam nito kay Karen Davila sa ANC.



Hindi pa nga raw sapat ang taon na ginugol ni Pemberton sa kulungan reaksyon ng netizens na ni-retweet si Liza na hindi nito matanggap at galit sa pagpapalaya sa Amerikanong Marino.

“He murdered innocent person,” sey ni Liza.



Kaya may balik tanong ang netizens kay Spokeperson Harry Roque na tumayong abogado ni Laude na ang amo nito na si PDuterte ang nagbigay ng pardon kay Pemberton.

Ano nga raw ang mase-say dito ni Spokeperson? Hmmmp!?

***

Yorme Isko ipasasara ang 2 sementeryo sa Undas

INAASAHANG maraming public official ang magsisigayahan kay Yorme Isko Moreno.

Dahil sa ibinabang Executive Order 38 ay pinirmahan na nga ni Yorme na ipasara ang dalawang pampublikong sementeryo sa Maynila mula October 31 to November 3 taong kasalukuyan.

Alam ni Isko na maraming damdamin siyang masasaktan na taga-Manila dahil sa utos nito na pagsasara  sa Araw ng mga Patay sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery. May kaugnayan ito sa kanilang kaligtasan dahil na rin sa paglobo ng tinatamaan ng Covid-19.

Binigyan ng pagkakataon ni Yorme na madalaw na nila ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong dalawang buwan bago pa man sumapit ang Undas.

Ang Executive Order 38 na nilagdaan ni Yorme sa pagsasara ng dalawang pampublikong sementeryo ay dahil sa pandemya.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)