Advertisers

Advertisers

Cristine Reyes at dyowang abogado, 26 yrs bago muling nagkita, ikakasal na sa 2027

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Kinumpirma ni Cristine Reyes ang kanyang engagement sa businessman na si Gio Tingson noong Mayo 20, 2026 sa kanyang Instagram post mula sa kanilang bakasyon sa Hong Kong.

Caption ng aktres, simple ngunit makahulugan ang kanyang pahayag: “every timeline led here. endgame unlocked. ” na agad nag-trending at naging sentro ng usapan online. Maraming netizens ang natuwa sa sweet milestone ng aktres, lalo’t ilang taon din itong naging bukas sa kanyang journey sa love at healing.

Bago pa man ang engagement, ilang beses nang naiugnay ang dalawa sa isa’t isa. Inamin ni Cristine na masaya siya sa kanyang personal life at tinawag pa si Gio na “the right person,” na lalong nagpatibay sa hinala ng publiko na papunta na sa kasalan ang relasyon nila.

Kwento ng aktres, matagal na silang magkakilala ni Gio—mula pa noong grade school days. Sa isang podcast noong April 2026, ikinuwento niya na unang beses silang nagkita sa isang school fair sa Ateneo, kung saan naging bahagi pa si Gio ng “marriage booth” at minsan pa siyang nagbigay ng alyas na biro lang noon.

Lumipas ang maraming taon, nagkaroon sila ng kanya-kanyang relasyon, ngunit muling nagtagpo sa tamang panahon nang pareho na silang single. Mula sa simpleng pagkakaibigan, unti-unting nabuo ang kanilang mas malalim na ugnayan hanggang sa tuluyang mauwi sa engagement.

Matatandaang na-annul ang kasal ni Cristine noong 2024, at bago ang relasyon kay Gio ay na-link din siya sa aktor na si Marco Gumabao. Sa isang panayam, kumpirmado rin ng aktres na nakatakda nilang gawing official ang kasal sa first quarter ng 2027, kung saan mas pinipili nilang maging pribado ngunit maayos ang paghahanda.

Ayon kay Cristine, ang proposal ay naganap sa kanyang bahay isang Sunday morning bago sila magsimba—isang simple ngunit makabuluhang sandali na tinawag niyang “finally after 26 years,” na ngayon ay nagbukas ng bagong kabanata sa kanyang buhay.