Advertisers
By Dominic Rea
Umpisa na ang puspusang shooting ng inaabangang book 2 ng Incognito! Sa ngayon palang ay pinag-uusapan na ang naturang series kung saan Dumaguete naman ang puntirya ng location. Umaasa ang fans and followers ni Daniel na this time ay mas lalaruin sa serye ang mga eksena nilang dalawa ni Kaila Estrada na magpapakilig sa kanila. Mukhang solved na nga ang karamihang dating nagmahal sa KathNiel dahil mukhang tanggap na nila ang bagong mundo ni Daniel sa bagong pag-ibig!
PAOLO CONTIS HINDI NAWAWALAN NG PROYEKTO
Minahal kasi at niyakap ni Paolo Contis ang kanyang showbiz career mula pa noong Goin Bulilit days niya magpahanggang ngayon kaya naman patuloy ang kanyang magandang showbiz career. Hindi naging pabaya si Paolo sa mundong kanyang pinasok kaya nakapagtanim ito ng magandang pakikisama at professionalism. Malaking point yun para lalo pa siyang pagtiwalaang mabigyan ng magagandang projects like Bubble Gang at currently ay kasama naman si Dingdong Dantes sa seryeng Master Cutter ng Kapuso Network.