Advertisers

Advertisers

Mayor sa Laguna nakasagasa-patay ng siklista

0 886

Advertisers

LAGUNA – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang construction worker matapos mabundol ng isang SUV na minamaneho ng isang lokal na opisyal sa may kahabaan ng national hi-way sa Barangay Patimbao, Sta. Cruz, Sabado ng gabi.
Kinilala ni Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng pulisya, ang biktima na si Vonn delos Santos, 30 anyos, binata, tubong San Juan City at pansamantalang nanirahan sa nasabing lugar.
Samantala, ang driver ng SUV na Ford Everest (DDM-2651)ay nakilalang si Pila Municipal Mayor at kasalukuyang presidente ng Mayors League na si Edgardo Ramos, 58, may asawa, residente ng Bgy. Aplaya.
Ayon sa ulat, 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente habang patungo sa Bgy. Pagsawitan si Ramos. Nahagip niya ang nagbibisekletang si Santos.
Dinala pa sa pagamutan ang binata pero nalagutan din ito ng hininga sanhi ng tinamong mga grabeng sugat sa kanyang katawan.
Sa harap ni Gaoiran, nagkasundo ang pamilya ng biktima at alkalde na sasagutin nitong lahat ang gastusin sa nangyaring aksidente.
(Dick Garay)