Advertisers

Advertisers

Lalaki nanloloko ng mga hukom, timbog ng NBI

0 256

Advertisers

Naaresto ng National Bureau of Investigation-Region 2 ang isang mister na nakapanloko ng higit sa isang daang judge sa iba’t-ibang lugar, kasabwat ang kanyang misis, sa pamamagitan ng pag-aalok ng travel packages.
Kinilala ni Atty. Gelacio Bongngat, director ng NBI-Region-2 ang suspek na si Jake Guiyab ng Tuguegarao City. Hinahanap pa ang kanyang misis na si Ma. Kristina Guiyab.
Ayon kay Atty. Bongngat, bahagi ng modus ng mag-asawang suspek sa mga judge na nagnanais magbakasyon sa iba’t ibang lugar ang mag-alok ng mga travel promo.
Nakukumbinsi ng mag-asawa sa matatamis na salita ang mga judge at nahihingan ang mga biktima ng halagang P180,000 bilang bahagi ng pagproproseso sa kanilang paglalakbay.
Ginagamit ng mag-asawang suspek ang online para makahikayat at makapambiktima.
Nakakulimbat ang mag-asawa ng milyong piso sa mga nabiktima.
Sa pagsisiyat ng NBI, natuklasan na noong 2019 pa nag-umpisa sa kanilang modus ng panlolo ang mag-asawa sa mga target na judge.
Naghaharap ang mga suspek sa kasong swindling, estafa at paglabag sa cyber crime law. (Jocelyn Domenden)