Advertisers
Hindi madali ang magpakasal lalo sa gitna ng krisis at pandemiya. Pero ipinakita ng ilang residente ng Mabalacat, Pampanga na walang imposible sa mga taong nagmamahal.
Sabay-sabay na ipinag-isang dibdib ang 16 na pares sa Mabalacat City Hall nitong Biyernes.
Kasama sa wedding attire nila ang pagsuot ang face mask at face shield.
Wala mga bisita, pero naging memorable pa rin ang okasyon dahil present ang kanilang mga pamilya.
At dahil bawal ang matagalang gathering, walang reception at kaagad pinauwi ang mga bagong kasal.
Bukod sa pagsunod sa quarantine protocols, ipinaalalahanan din ang mga newly-weds na laging maging ligtas ngayong may pandemiya.(PFT team)