Advertisers

Advertisers

2 patay sa ambush sa Cotabato

0 262

Advertisers

PATAY ang dalawa katao sa pananambang nitong Miyerkules ng gabi sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Mustapha, 30, may asawa, walang trabaho, residente ng Barangay Fort, Pikit; at Ali Wahab, 20, binata at residente sa Barangay Macabual, Pikit.
Ayon kay Pikit Chief of Police, Captain Mautin Pangandigan, lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo sa loobang bahagi ng Brgy. Batulawan, Pikit nang tambangan ng mga hindi kilalang salarin gamit ang M16 Armalite rifles at kalibre.45 pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga namaril patungo sa liblib na lugar sa Pikit.
Blangko pa ang Pikit PNP sa motibo sa pamamaslang.(PFT team)